12 huli sa buy-bust sa Laguna

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 03:45 PM

BIÑAN CITY, Laguna- Huli ang 12 katao dito sa buy-bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Lunes ng gabi.

Nakuha ng mga awtoridad ang mga sachet na hinihinalang pinaglagyan ng 'shabu' sa isang bahay na ginawa umanong drug den ng isa sa mga suspek sa Barangay Canlalay.

Ang 11 iba pa naman ay hinuli naman dahil gumagamit umano ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

Tinatayang nasa 50 gramo ng hinihinalang ilegal na droga ang nakuha ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya pa ng PDEA ang mga naarestong salarin na mahaharap sa kaukulang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.