PatrolPH

Pulis patay sa engkwentro sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2022 09:13 PM

Patay ang isang pulis sa isang engkwentro laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Gandara, Samar nitong Sabado.

Nangyari ang bakbakan sa boundary ng Brgy. San Nicolas, San Jose de Buan at Brgy. Mabuhay pasado alas-9 ng umaga.

Ayon sa PNP Eastern Visayas, nakilala ang biktima na si Patrolman Mark Monge, kasapi ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Ang grupo ng mga pulis ay nagsasagawa umano ng humanitarian activity sa lugar nang bigla na lang silang paputukan ng may 10 mga hinihinalang NPA.

Umabot ng limang minuto ang engkwentro.

Tinamaan ng bala si Monge na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kinokondena ng Police Regional Office 8 ang insidente.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang nakasagupang mga hinihinalang rebelde. - ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.