PatrolPH

Lalaki natabunan ng bato sa minahan sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2022 09:50 PM

Kuha ng Tuba PNP
Kuha ng Tuba PNP

BENGUET - Patay isang mine development supervisor matapos matabunan ng "rockburst" sa minahan ng Philex Mining Corporation sa Tuba, Benguet nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Danny Bunnag Dammit, 41-anyos. 

Nangyari ang aksidente bandang alas-4 ng hapon ng Biyernes.
 
Base sa imbestigasyon ng pulis, nagtatrabaho ang biktima at isa pang kasama na si Vergel Moguiyeng nang magkaroon ng rockburst. Nakalabas si Moguiyeng pero natabunan ng bato si Dammit. 

Nang makuha siya ng rescuers ng Philex Mines, dinala agad ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Cardiopulmonary arrest secondary to asphyxia ang sanhi ng kanyang pagkamatay. - ulat ni Mae Cornes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.