Larawan mula kay NP Proyproy.
ZAMBOANGA CITY - Hinatid na nitong Huwebes ng umaga ng kanyang pamilya at mga kaibigan si CPL Felix Provido Jr. sa kanyang huling hantungan.
Isa si Provido sa higit na 50 na nasawi sa pagbagsak ng C-130 sa Bangkal, Patikul Sulu noong July 4.
Tubong Upper Pulacan, Labangan Zamboanga del Sur ang nasawing sundalo.
Binigyan si Provido ng military honors bago inilibing sa Chrysanthemum Cemetery sa Pagadian City.
Sa larawan na kuha ng kaniyang pinsan, makikitang niyakap ng live-in partner ng sundalo ang kabaong ni Provido sa huling pagkakataon.
Nakatakda sanang ikasal si Provido at ang kanyang live-in partner ngayong darating na Oktubre.
Noong isang linggo, narekober na ang black box ng eroplano.
Ipapadala rin ang dalawang recording sa Amerika para ma-analyze at maproseso ang nilalaman.
Pero hindi pa malinaw kung gaano katagal ang magiging proseso.
- Ulat ni Leizel Lacastesantos
PANOORIN
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regions, Regional news, Tagalog news, Zamboanga City, C-130 crash, C-130, military, AFP, patrolph