PatrolPH

Pinoy community sa Indonesia nagbayanihan sa gitna ng COVID-19 surge

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2021 08:54 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Indonesia na ang itinuturing na bagong COVID-19 epicenter sa Asya matapos itong makapagtala ng mas maraming bagong kaso sa isang araw kompara sa India.
    
Nakapagtala ang Indonesia ng 56,757 bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Nitong Hulyo 16, ipinatupad naman ng Pilipinas ang travel ban sa Indonesia.

Ang mas nakahahawang Delta variant ang itinuturong dahilan ng paglobo ng kaso sa Indonesia. 

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Indonesia, may 8,000 Pilipinong naninirahan sa Indonesia, karamihan mga teacher, accountant, at factory manager.

Sa tala ng embahada, 13 Pilipino ang mga nasa ospital doon ngayon dahil sa COVID-19.

Sampu naman ang naitalang namatay mula nang magsimula ang pandemya, pero 5 dito ay nito lamang nakaraang buwan nasawi.

Samantala, may fundraiser ding sinimulan ang Filipino community doon para tulungan ang mga kababayan nila na apektado ng COVID-19.

Naglilikom sila ng pondo, pagkain o anumang ayuda.

Hanggang sa susunod na linggo inaasahan ang mahigpit na lockdown sa Indonesia pero di pa tiyak kung ito'y palalawigin pa.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.