PatrolPH

Bata, patay matapos malunod sa baha sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2021 03:31 PM

Bata, patay matapos malunod sa baha sa Iligan 1

ILIGAN - Natagpuang patay sa may imburnal sa Barangay del Carmen Biyernes ng umaga ang 4 na taong gulang na batang lalaki matapos ang magdamag na paghahanap ng mga kaanak sa kaniya.
 
Alas-4:30 ng hapon ng Huwebes huling nakita ang bata na naglalaro sa ulan kasama ang mga kapitbahay.

Ayon kay Station 1 commander Police Major Xander Panolong, posibleng namatay ang bata sa pagkalunod.

“Knowing Del Carmen, grabe talaga ang tubig dyan. Malakas ang current ng tubig. Baka hindi siya nabantayan, inanod, napasok siya doon kasi maliit yung bata,” sabi ni Panolong.
 
Tinatayang tatlong oras na bumuhos ang malakas na ulan sa Iligan nitong Huwebes. 

Nagdulot ito ng pagbaha at pag-apaw ng tubig sa imburnal sa barangay kahit pa malapit ito sa wet park. Layunin sana ng wet park na i-drain ang tubig sa Barangay Del Carmen, San Miguel at Bagong Silang kapag malakas ang ulan.

- Ulat ni Roxanne Arevalo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.