PatrolPH

2 estudyante tiklo sa pagbebenta umano ng marijuana sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2021 08:22 AM

Arestado sa drug bust ng Santo Tomas Police ang 2 estudyante dahil sa umano'y pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay New Visayas, bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte Martes ng hapon.

May edad na 19 anyos at 18 anyos ang mga suspek na residente ng Barangay Tibal-og, Santo Tomas. Kapwa nag-aaral ang 2 sa isang pampublikong eskwelahan sa bayan.

Nakuha mula sa mga suspek ang 3 pakete ng hinihinalang marijuana, mga drug paraphernalia, at P1,000 na ginamit bilang buy-bust money kasama ang halagang P132. 

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng dalawa. — Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.