Tauhan ng BuCor natagpuang patay sa Bilibid

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 03:51 PM

MAYNILA — Isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong Huwebes. 

Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, nadiskubre ng isang roving supervisor ang walang buhay na katawan ng jail officer sa Goal Tower 4 ng Medium Security Compound.

May tama ng bala sa sentido ang biktima at may hawak na baril. Hindi na sinabi ng BuCor ang pangalan ng 29 anyos na jail officer. 

Iniimbestigahan pa kung may foul play o self-inflicted ang pagkamatay ng jail officer.

—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.