Radio Veritas hinimok si Duterte na mamagitan para ibalik ang ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 04:57 PM

MAYNILA — Nanawagan ang Radio Veritas nitong Huwebes kay Pangulong Rodrigo Duterte na mamagitan na sa Kongreso para makahanap ng iba pang paraan para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN at makabalik ito sa ere. 

 

"[I]n the spirit of upholding the common good, we appeal to the executive branch to help intercede to our House of Representatives to find other legislative recourse to grant ABS-CBN its franchise," ani Radio Veritas president at CEO Rev. Father Anton Pascual. 

Ang Radio Veritas ay kilala rin bilang DZRV o "Veritas 846: Ang Radyo ng Simbahan," na pagmamay-ari ng Archdiocese of Manila sa ilalim ng Global Broadcasting System. 

Ani Pascual, ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN ay naging dahilan na ng pagkakawatak-watak ng mga Pinoy. 

"[W]e request that our executive branch to display the highest form of statesmanship to unify our nation that has been distracted, divided, and demoralized by this franchise issue," ani Pascual. 

Sabi ni Pascual, kung may mga pagkukulang ang network ay hindi solusyon dito ang pagpapasara. Ang ABS-CBN ay isa din umanong simbolo ng demokrasya sa bansa.

"In a healthy democracy, an independent media is an insightful barometer into the state of affairs of any government and has been proven as an effectual mechanism in the struggle against the dark shadows of propaganda."

Noong Biyernes ay pinatay ng 70 mambabatas sa Kamara ang prangkisa ng ABS-CBN, dahilan para permanente na itong mawala sa network.

Napilitan din ang network na magtanggal ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.