'Di pa nakakabawi': Ilang tindera, tsuper dumadaing sa 2-linggong Navotas lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 05:41 PM | Updated as of Jul 16 2020 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Umarangkada na ang dalawang linggong lockdown sa Navotas City ngayong Biyernes, na sinimulan matapos ang patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus sa lungsod. 

Pero ang ilang tindera at tsuper, umaaray sa magiging epekto nito sa kanila lalo na't hindi pa sila nakakabawi matapos luwagan ang lockdown protocols sa buong Metro Manila. 

Ang tindera ng karinderya na si Beata Tulod, sinabing hindi pa nakakabawi ang kaniyang kita. 

"Di pa kami nakakabawi sa pagbayad ng utang sa unang lockdown tapos ito na naman," ani Tulod. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Pahirapan naman para kay Nelson Barlad ang maghanap ng pasahero ngayong may lockdown na muli sa kanilang lugar. 

"Mahirap maghanap ng pasahero, maraming bawal," ani Barlad. 

Sa unang araw ng Navotas City lockdown, naging mahigpit ang mga awtoridad sa mga checkpoint. 

Matinding traffic din ang naranasan sa boundary ng Malabon at Navotas. 

Sa ilang bahagi ng Barangay NBBN, marami pa ring mga residente ang nakatambay sa labas ng bahay. 

Magtatagal ang lockdown sa Navotas hanggang July 29 ng hating gabi.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.