Bahagi ng kisame ng NAIA T3, bumagsak

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 10:45 AM | Updated as of Jul 16 2020 10:54 AM

MAYNILA – Gumuho ang isang bahagi ng kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa Airport Police Department ng Manila International Ariport Authority, pasado alas-3 ng madaling araw ng Miyerkoles nang bumagsak ang kisame sa food hall na matatagpuan sa ika-apat na palapag ng paliparan. 

Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagbagsak ng kisame.

Kahit may mga stranded na pasahero ang nasa loob ng airport, wala namang nasaktan sa insidente dahil sarado ang food hall sa publiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.