#WalangPasok: Hulyo 16, Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 08:52 AM | Updated as of Jul 16 2019 10:40 AM

MAYNILA — (2nd UPDATE) Walang pasok sa mga lugar na ito ngayong Martes, Hulyo 16, 2019 dahil sa inaasahang masamang panahon at pagbaha na dala ng bagyong Falcon.

LAHAT NG ANTAS

  • Cavite City
  • Almeria, Biliran
  • Kawayan, Biliran
  • Albay (buong probinsiya simula ala-1 ng hapon)

Namataan ang bagyong Falcon 710 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan alas-3 ng umaga, taglay ang maximum sustained winds na 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Magdadala anila ng pag-ulan si Falcon sa Isabela, Cagayan at Batanes.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Mimaropa, Western Visayas, Masbate, Albay, Catanduanes, Sorsogon at Northern Samar dahil sa habagat, dagdag ng PAGASA.

Maaaring lumakas at maging tropical storm si Falcon bago mag-landfall sa hilagang Luzon sa Miyerkoles, babala ng ahensya.

Para sa iba pang ulat panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.