Tricycle driver dawit sa nasamsam na P500-K halaga ng shabu

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 06:06 PM | Updated as of Jul 16 2019 07:18 PM

Naaresto ang isang tricycle driver na nakuhanan umano ng halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang police operation sa Santo Tomas, Batangas noong Lunes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinampot ng mga operatiba ng Santo Tomas Police Drug Enforcement Team ang suspek na si Jonald Garcia matapos umano nitong bentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Tinatayang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek. 

Dayo si Garcia sa Santo Tomas at patingi-tingi kung magbenta ng droga sa mga kapwa tricycle driver, ayon sa pulisya.

Ikinasa ang operasyon laban kay Garcia matapos siyang ikanta ng ilang naaresto sa mga naunang anti-drug operation.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng suspek.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.