Lalaking sangkot sa 'rent-tangay' arestado sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 05:41 PM | Updated as of Jul 16 2019 07:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto nitong umaga ng Martes sa Quezon City ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagsasagawa ng "rent-tangay" modus.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Joselito Esquivel ang suspek bilang si Glendy Nacu, dating konsehal sa bayan ng Sasmuan, Pampanga.

Nabatid sa imbestigasyon ng mga awtoridad na may warrant of arrest laban kay Nacu para sa kasong carnapping.

Nahuli ang suspek sa isang police operation bandang alas-7:30 ng umaga sa isang food chain sa Quirino Highway, Barangay Talipapa, ayon sa ulat ng QCPD.

Ikinasa ang operasyon matapos ireklamo si Nacu ng 2 babae na nabiktima umano niya sa "rent-tangay" o iyong pagsangla o pagbenta ng sasakyang hiniram lamang ng suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.-- May ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.