Grade 9 student timbog sa pagbebenta ng marijuana sa Antipolo

Jeck Batallones, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 12:48 PM

MAYNILA - Arestado ang isang Grade 9 student sa pagbebenta ng marijuana sa Antipolo, Rizal nitong Martes.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, modus ni Wesley Manalili, 18, na magbenta ng marijuana sa social media.

Nakauniporme pa si Manalili nang maaresto. 

Ginagamit daw niya ang pagiging estudyante para makapagbenta sa mga kaklase.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.