Bangka lumubog sa Southern Leyte; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 07:31 AM

MANILA - Patay ang isang pasahero dahil sa cardiac arrest matapos lumubog ang isang bangka sa Southern Leyte nitong Lunes ng hapon.

Ligtas naman ang 12 pasahero at 2 crew ng bangkang papunta sana ng Limasawa Island mula sa bayan ng Padre Burgos.

Lumubog ang bangka dulot ng malalakas na alon. Agad itong nasaklolohan ng Philippine Coast Guard ngunit namatay ang 1 pasahero dahil sa cardiac arrest. -- Ulat ni Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.