7 timbog sa droga sa Tondo

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 07:28 AM

MAYNILA - Arestado ang isang babae at 6 na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila nitong Martes.

Target ng operasyon ang 24-anyos na babae na kinilalang si alyas Madam, ayon kay Police Capt. Val Valencia, hepe ng Drug Enforcement Team ng Abad Santos Police Station.

Dati na umanong nakulong si Madam dahil sa droga pero bumalik ulit sa ilegal na gawain. 

Nahuli si Madam, ang asawa niya at isa pang kasabwat sa isang eskinita. Nahuli ang 4 na iba pa na bumibili at gumagamit din ng droga. 

Nakatira lang silang lahat sa isang compound kaya madali ang bentahan, ayon sa pulisya.

Nakuha sa kanila ang 20 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P42,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.