3 kabataan nahulihan ng 1 kilo ng marijuana sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 03:01 AM

MAYNILA—Arestado ang 2 lalaki at 1 babae sa buy-bust operation sa V. Luna Ave. corner East Ave., Quezon City Lunes ng gabi.

Nakumpiska sa kanila ang 1 kilo ng hinihinalang marijuana na may halagang P120,000.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7, napag-alamang source umano ng marijuana ang mga kabataan sa mga dating nahuling drug suspects.

Mga estudyante rin umano ang mga binebentahan ng mga suspek na may edad 20.

Itinanggi naman nila na sa kanila ang mga droga at sinabing isinama lang daw sila sa pangakong bibigyan ng balato.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.