18 batang palaboy nasagip sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 04:34 AM

MAYNILA—Nasagip ng mga pulis ang 18 kabataang nasa lansangan sa Sampaloc, Maynila Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan, commander ng Lacson Police Community Precinct, inikot nila ang ilang kalsada sa Sampaloc, kabilang ang España Boulevard at Tuazon St.

Nasagip nila ang 10 lalaki at 8 babae na may edad 9 hanggang 16.

Apat sa kanila ay gumagamit pa umano ng solvent habang ang iba ay tambay sa lansangan.

Dagdag ni Fuggan, mahalaga na masagip ang mga kabataan dahil nagagamit umano ang mga ito ng mga sindikato para sa krimen at human trafficking. 

Madalas din aniya na reklamo sa mga barangay ang mga batang snatcher at nag-iinuman sa kalsada.

Itu-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kabataan.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.