P3-milyong halaga ng 'shabu' nasabat sa Cavite

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 06:33 PM | Updated as of Jul 17 2018 01:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa P3.3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa 2 babae sa Dasmariñas, Cavite nitong Linggo.

Sinalakay ng Cavite Provincial Police ang isang bahay sa Barangay Datu Esmael matapos magpositibo ang bentahan ng droga sa poser-buyer.

Narekober mula sa 2 babae ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na nasa 450 gramo.

Dinala na sa Camp Gen. Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite ang mga suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.