Negosyante dinukot ng grupong naka-uniporme ng pulis, sundalo

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 10:22 AM

KABASALAN, Zamboanga Sibugay - Dinukot ng armadong grupo na naka-uniporme ng pulis at sundalo ang isang negosyante sa bayan na ito, Linggo ng gabi.

Kasama ang 2 anak at isang tauhan, nanonood ng TV ang fishpond operator na si Alejadro Bation, 58, sa kaniyang bahay sa Barangay Nazareth nang pumasok doon ang 6 na kidnapper, ayon sa pulisya.

Tinutukan umano ng baril ng mga kidnapper si Bation at saka siya kinaladkad patungo sa kalapit na mini-wharf, kung saan sila sumakay ng 3 motorized pump boat.

Tumakas ang mga kidnapper patungo sa direksyon ng mga bayan ng Naga at Payao.

Tinutugis ng pulisya ang grupo.

Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.