Lalaki pinagbabaril sa tahanan ng kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 08:29 AM

MANILA - Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin habang tumatambay sa tahanan ng kapitbahay sa Barangay Tonsuya, Malabon ngayong Lunes ng madaling-araw.

Hindi pa nakikilala ang salarin na bigla lamang umanong pumasok sa naturang bahay sa Gozon Compound at patakas na naglakad.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Erik Piano dahil sa mga tama ng baril sa ulo at katawan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.

- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.