Lalaki nalunod nang tumawid sa rumaragasang ilog sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 11:36 AM | Updated as of Jul 16 2018 11:56 AM

Larawan mula sa Guihulngan City Disaster and Risk Reduction Office

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental - Patay na nang matagpuan ngayong Lunes ang residenteng nagtangkang tumawid sa tulay sa ilog dito kahit malakas ang mga ulang hatid ng habagat.

Ayon sa Disaster and Risk Reduction Office sa siyudad, kagabi pa sinimulan ang rescue operation para kay Litoy Gipulan na posibleng nadulas sa bato habang tumatawid at inanod ng rumaragasang ilog.

Natagpuan ang katawan ni Gipulan bandang alas-6 kaninang umaga sa Sitio Mabante sa Barangay Poblacion, na tinatayang may 10 kilometro ang layo mula sa kung saan siya nadulas.

Patuloy na pinalalakas ng Bagyong Henry ang hanging habagat na siya namang nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa, kabilang na ang Western Visayas.