2 patay, 1 kritikal sa salpukan ng mga motorsiklo sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 08:14 AM

MANILA - Patay ang 2 lalaki matapos magbangaan ang mga minamanehong motorsiklo sa East Service Road, Parañaque ngayong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Raymark Rodriguez at Jerico Tabao.

Papunta sa Bicutan si Rodriguez at kuma-counterflow, samantalang lasing naman at mabilis ang pagpapatakbo ni Tabao at angkas nito, ayon sa imbestigador.

Kapwa aniya nawalan ng kontrol ang mga rider at nagsalpukan, dahilan ng kanilang pagkamatay.

Isinugod naman ang angkas ni Tabao na si Roger Peralta sa Taguig-Pateros District Hospital. Kritikal ang kaniyang lagay.

Madalas ang aksidente sa East Service Road dahil fast lane ito at madalas daanan ng mga motorsiklo, ayon sa pulisya.

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.