Duterte, pinarangalan ang mga sundalong sugatan sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2017 08:14 AM

MANILA - Pinarangalan ni Pang. Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu.

Nagpunta noong Sabado si Duterte sa Camp Bautista sa Sulu para dumalaw sa mga sugatang tropa ng gobyerno at magbigay ng citation at medalya sa mga nasugatang sundalo sa nangyaring engkwentro ng militar kontra Abu Sayyaf kamakailan sa Patikul, Sulu.

Bandang 5:00 PM nang lumapag ang pangulo sa Jolo sa kabila ng naka-iskedyul na 1:00 PM niyang pagdating doon.

Kinansela na rin ang speech ng pangulo sa harap ng mga tropa dahil sa masamang panahon at atrasado nitong pagdating sa Sulu.

Kasama ng pangulo na dumalaw sa Camp Bautista sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Eduardo Año.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.