Na-cremate na nitong Biyernes ang labi ng isa sa dalawang lalaki na namatay sa Makati matapos bumagsak ang ginagawang elevator sa Burgundy Corporate Tower nitong Biyernes.
Sa La Loma cemetery na-cremate ang labi ni Manuelito Linayao.
Hinintay muna dumating ang misis ni Linayao na isang overseas Filipino worker kaya natagalan ang burol sa Ambassador Funeral Homes sa Caloocan.
Sa misa, nagpasalamat ang mga kaanak ni Linayao sa lahat ng tumulong sa kanilang pamilya.
Nauna nang sinabi ng pamilya Linayao na sinagot na ng Concepcion Otis, ang elevator service contractor na pinagtratrabahuhan ni Manuelito.
Tumulong din ang Institute for Occupational Health and Safety development (IOHSD) sa pamilya para umalalay sa mga pangangailangang legal ng pamilya.
Nakiramay din ang Makati LGU sa mga nasawi sa aksidente.
Ipinag-utos ni Mayor Abby Binay ang pagpapahinto ng pagkukumpuni sa mga elevator doon hangga't hindi napapakita ng contractor na sinusunod nila ang safety protocols.
-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Burgundy Tower, Makati, Burgundy Corporate Tower, Metro Manila