PatrolPH

Umano'y NPA member patay sa engkwentro sa Negros Occidental; 2 iba pa tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2021 09:34 PM

MAYNILA - Isang hinihinalang miyembro ng New People's Army ang napatay sa isang engkwentro sa pagitan ng militar at ng rebeldeng grupo sa Escalante City, Negros Occidental nitong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, nasa security patrol ang ilang tropa ng Philippine Army 79th Infantry Battalion sa Brgy. Malasibog dahil sa naiulat na presensiya umano ng mga armadong lalaki.

Pinaputukan umano sila ng mga armadong rebelde at nauwi ito sa 5 minutong bakbakan, na ikinamatay ng isa na kinilalang Wilson Yanog, Jr.

Dalawang iba pang hinihinalang rebelde rin ang nahuli ng mga awtoridad. Nakumpiska ang ilang mga baril at bala, kasama ang ilang dokumento ng NPA umano.

Nai-turnover na ang bangkay ni Yanog sa pulisya ng Escalante City habang pino-proseso na ang pagkakakulong ng mga nahuli.

Dalawang itinuturong miyembro ng NPA din ang nasawi sa isang military operation sa Surigao del Norte kamakailan lang.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.