PatrolPH

P3.5-M halaga ng umano'y smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2021 11:56 PM

ZAMBOANGA CITY - Nasabat ng mga pulis at tauhan ng Bureau of Customs ang 100 karton ng umano'y smuggled na sigarilyo na ipupuslit sana sa Zamboanga City, Huwebes ng madaling araw. 

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga pulis nang mahuli nila ang isang bangka o ang tinatawag nilang "jungkung" sa Manalipa Island.

Nadiskubre ng mga pulis na may karga itong 100 karton ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs ang bangka at ang 4 na crew nito ganoon rin ang mga smuggled na sigarilyo. 

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga sigarilyo. 

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.