Boracay, Aklan - Arestado ang tatlong turista matapos mahuling gumamit ng pekeng RT-PCR test result para makapasok sa isla ng Boracay, sa Aklan, Miyerkoles ng umaga Hulyo 14.
Ayon sa Malay PNP, nakatanggap sila ng ulat galing sa Aklan Provincial Tourism Validating Office na may tatlong turista ang nakapasok sa isla na gumamit ng pekeng RT-PCR test results.
Kaagad na pinuntahan ng awtoridad ang hotel kung saan nanatili ang tatlong turista at dinala sa istasyon ng pulis.
Sa imbestigasyon ng Malay PNP, nagmula sa Silang, Cavite ang tatlong turista na isang lalaki at dalawang babae.
Dinala na sa quarantine facility sa bayan ng Kalibo ang tatlong turista, na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 11331 at Article 175 ng Revised Penal Code.
-- Ulat ni Rolen Escaniel
KAUGNAY NA VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, RT-PCR tests, Boracay, Aklan, tourists, COVID-19, tourism, pekeng COVID-19 test, falsification of documents, RA 11331