Mga solid Kapamilya dinagsa muli ang ABS-CBN para sa ika-5 araw ng noise barrage

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 10:44 PM | Updated as of Jul 16 2020 12:14 AM

MAYNILA - Ikalimang araw na ngunit dumadagundong pa rin ang ingay ng mga solid Kapamilya supporters sa isinagawang noise barrage para sa ABS-CBN network nitong Miyerkoles.

Sa labas ng himpilan, buong puwersa muling nag-ingay ang mga solid Kapamilya at muli rin silang sinamahan ng mga empleyado.

Nakiisa rin ang National Union of Journalists of the Philippines at nagbigay din ng mensahe ang internet sensation na si Aling Marie.

Nakilala si Aling Marie, o Marie Dinglasan sa totoong buhay, nang magbitaw ito ng maaanghang na salita laban sa mga troll noong nakaraang buwan, kung saan sinabi niyang ibabandera din niya ang kulay kayumanggi.

Hindi lamang sa labas ng himpilan nagkaroon ng noise barrage dahil pinuntahan ang isang maikli at masikip na kalye sa Barangay 471 kung saan sa kanilang simpleng pamamaraan ay nag-ingay rin para sa mga Kapamilya ang mga residente.

--Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.