#WalangPasok: Hulyo 15, Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 07:55 AM | Updated as of Jul 15 2019 08:09 AM

MANILA — Walang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan ng Biliran ngayong Lunes, Hulyo 15, 2019 dahil sa inaasahang masamang panahon at pagbaha na dala ng bagyong Falcon.

Nagmula ang anunsyo sa Facebook page ng Biliran government.

Namataan ang bagyong Falcon 990 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes alas-4 ng umaga, taglay ang maximum sustained winds na 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Makakaranas anila ng kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa trough or extension ng naturang tropical depression.

Maaaring mag-landfall ang bagyo sa hilagang Luzon sa Miyerkoles o Huwebes, dagdag ng PAGASA.