TINGNAN: Buhawi namataan malapit sa isang paaralan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 09:37 PM

ILOILO - Isang buhawi ang bumaybay malapit sa isang paaralan sa bayan ng Pototan, Iloilo nitong Lunes.

Ayon sa mga guro ng Pototan National Comprehensive High School, natakot ang ilang estudyante nang makita ang buhawi malapit sa paaralan.

Nakunan ng video ng isang estudyante ang buhawi.

 

Ayon sa sa nag-upload ng video na si Zendy Ehmke, bandang ala 1:00 ng hapon namataan ang buhawi na mabilis namang nawala.

Dumaan sa dalawang barangay ang buhawi bago ito nawala, ayon sa mga awtoridad.

Wala namang naitalang pinsala ang buhawi. - Bea Zaragosa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.