Lalaki nakuhanan ng droga sa Davao checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 01:25 PM

Naaresto ang isang lalaki matapos makuhanan ng droga nang sumailalim sa inspeksiyon sa isang checkpoint sa Davao City noong gabi ng Linggo.

Sakay ang suspek ng isang pampasaherong van galing Digos City nang harangin sila ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Barangay Sirawan, Toril district.

Sa gitna ng pag-inspeksiyon sa mga pasahero, nakita raw ng mga sundalo na may itinapong sachet ng dahon ng marijuana ang lalaki.

Kinapkapan siya at nakuhanan ng 2 pang sachet ng shabu.

Inamin naman ng suspek ang paggamit at pagbenta ng ilegal na droga.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang lalaki.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.