Higit P2M na halaga ng shabu nasamsam sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 10:56 PM

Higit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam Lunes sa isang babae sa Barangay NBBS Proper, Navotas City.

Kinilala ang suspek na si alyas "Holy."

Ayon sa pulisya, matagal silang nagsagawa ng surveillance sa suspek na nabilhan ng droga.

Mga maliliit at medium-sized sachet ng shabu ang nakuha mula sa suspek.

Ayon sa mga awtoridad, nakakulong din ang live-in partner ng suspek na si alyas "Michael" matapos ding masangkot sa ilegal na droga. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.