Dating teen actress, 4 iba pa, timbog sa droga sa Cavite

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 10:25 AM | Updated as of Jul 15 2019 07:10 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang dating teen actress, kaniyang live in partner at 3 iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

Nakilala ang mga naaresto na sina Angela Garcia Bobis o Angela Zamora, kaniyang live in partner na si Vladimir Bersana at mga kasabwat umano na sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez.

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, unang naaresto si Bersana na nagturo sa kaniyang live in partner na dating teen star na nagbebenta ng shabu sa kanilang inuupahang bahay.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan naaresto ang dating teen star at mga kasamahan.

Nasamsam sa kanila ang nasa P68,000 na halaga ng shabu na may bigat na 10.08 gramo.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakapiit na ngayon sa Bacoor City Detention Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.