Libo-libo dumagsa sa 'Lingap' ng INC sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2018 02:54 PM | Updated as of Jul 15 2018 06:28 PM

MAYNILA - (UPDATED) Sa kabila ng malakas na ulan, libo-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dumagsa sa Quirino Grandstand para sa taunang medical at dental mission ng simbahan. 

Bandang alas-3 ng hapon, umabot na sa 120,000 ang bilang ng mga nasa Quirino Grandstand para sa "Lingap sa Mamamayan" ng Iglesia ni Cristo, ayon sa Manila police.

Kasama sa mga serbisyong ibinigay sa Lingap ang libreng dental checkup, complete blood count, blood sugar determination, blood typing, urinalysis, ultrasound, 2D echo, at medical consultation.

Sa huling bahagi ng programa, nagkaroon ng pamamahagi ng "goodwill bags" na may lamang bigas. 
 

Ayon kay Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia Ni Cristo, hindi lamang sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo bukas ang Lingap kundi maging sa iba pang mga relihiyon. 

Layon ng ng Iglesia ni Cristo na makapagbigay tulong sa may libo-libong tao sa pamamagitan ng serbisyong medikal. -- ulat ni Abner Mercado at Fred Cipres, ABS-CBN News