PatrolPH

Drug suspek, patay matapos 'manlaban' sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2018 07:50 AM

MANILA - Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraang mauwi umano sa engkuwentro ang isang buy-bust operation sa Brgy. 157, Apelo Cruz Pasay City.

Ayon sa pulisya, notoryus umano ang suspek na si alyas Nognog sa lugar bilang pusher. Matagal na rin umanong inimbitahan ang suspek na sumuko sa Oplan Tokhang pero tumanggi ito.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Pasay PNP, nagsagawa sila ng buy-bust hatinggabi ng Sabado kung saan nakabili ang kanilang poser-buyer ng P500 ng shabu mula sa suspek.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon at bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Pinabulaanan naman ng kaanak ni Nognog ang mga sinabi ng pulisya.

- ulat nina Lyza Aquino at Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.