Bagong laya, patay matapos 'manlaban' sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2018 08:02 AM

MANILA - Patay ang isang lalaking kalalaya lamang sa kulungan matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Merville Access Road, Brgy. 201, Pasay City.

Kinilala ang napatay na si Arnel Padel na dati nang nakulong sa mga kasong robbery-holdup, at ilang beses na ring inirereklamo sa lugar dahil sa panghoholdap at pagnanakaw.

Ayon sa pulisya, magsisilbi sana sila ng warrant of arrest laban sa isang lalaking wanted sa kasong murder sa lugar nang mangyari ang engkuwentro pasado 9:00 p.m ng Sabado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.