4 arestado sa droga sa Makati

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2018 08:22 AM

MANILA - Sa kulungan ang bagsak ng magkakaibigan na 3 lalaki at 1 babae makaraan silang mahulihan ng droga sa Makati City.

Ayon sa Makati police, nagpapatrolya ang kanilang mga tauhan sa may Jade St. Pembo, Makati City nang maaktuhan nilang nagsusugal ng dice ang mga suspek.

Pero bukod pa sa perang pangsugal ay nakumpiska rin sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sila ngayon sa kasong illegal gambling at illega possession of dangerous drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.