Presyo ng langis, matatapyasan

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 07:30 PM

Matapos ang dalawang sunod na linggong oil price hike, matatapyasan naman ang presyo ng langis sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang rollback sa presyo kada litro ng diesel at kerosene.

Tinatayang P0.15 hanggang P0.25 naman ang mababawas sa presyo kada litro ng gasolina.

Umabot ng P1.90 ang naging kabuuang dagdag sa presyo kada litro ng diesel at piso naman sa presyo kada litro ng gasolina nitong nakalipas na dalawang linggo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.