AWOL na pulis, 3 iba pa arestado sa buy-bust sa Bacolod

Yasmin Pascual-Dormido, ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 07:03 PM

BACOLOD — Isang pulis na nag-"absent without leave" (AWOL) at 3 pang sibilyan ang arestado sa isang buy-bust operation sa Barangay 16, Biyernes ng gabi.

Ayon kay S/Insp. Leo Estopa, inaresto ang suspek na si Adjiemon Padilla matapos niyang pagbentahan ng shabu sa halagang P200 ang mga operatibang pang-seguridad.

Inaresto sina Clyde Dulaca, Gracel Carian, at Chad Mariano matapos madatnan ng mga pulis na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng bahay ni Padilla.

Nakuha mula sa mga suspek ang 2 maliit na sachet ng shabu, isang toother, isang kalibre .45 na baril, at anim na bala.

Itinanggi ni Padilla na nagtutulak siya ng droga.

Ayon kay Estopa, si Dulaca mismo ang umamin sa mga imbestigador na hindi na siya pumapasok sa Special Action Force unit niya sa Bicutan simula noong 2004.

Haharap ang 4 na suspek sa mga kasong kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.