3 estudyante nasagasaan ng trak sa Legarda

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2016 12:11 PM

MANILA - Tatlong estudyante ang nasagasaan ng isang delivery trak sa kanto ng Legarda at Concepcion Aguila Street sa Maynila Biyernes ng umaga.

Ayon sa unang impormasyon, nakatayo lang sa kanto ang tatlong estudyante - isang lalaki at dalawang babae - nang bigla silang sagasaan ng isang delivery truck na may dalang hollow blocks at buhangin. Galing ng Recto Avenue ang truck nang bigla itong nawalan ng control at tumama sa tatlong estudyante.

Agad na tumakas ang driver ng truck matapos ang insidente.

Unang itinakbo ang dalawang biktimang babae sa ospital at isinunod na lang ang lalaki. Sa ulat ng radio DZMM, pilipit ang kanang braso at nawasak ang school uniform ng biktima.

RADIO DZMM, July 15, 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.