PatrolPH

Malakas na ulan nagdulot ng pagbaha sa pamilihan sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2021 07:49 PM

Malakas na ulan nagdulot ng pagbaha sa pamilihan sa Iligan 1
Larawan mula kay Louie Mike Allere Batoctoy

ILIGAN CITY— Nagmistulang swimming pool ang palengke sa Barangay Hinaplanon dito sa siyudad nang bumuhos ang malakas na ulan nitong Martes ng gabi. 

Ayon sa mga vendor, tumagas ang tubig ulan sa bubong ng temporary market at umapaw din ang tubig mula sa drainage.

Dahil sa pagtaas ng tubig, nanatili ang ilang vendor sa kanilang stall sa takot na masira o anurin ang kanilang mga paninda. 

Malakas na ulan nagdulot ng pagbaha sa pamilihan sa Iligan 2
Larawan mula kay Beberly Bastasa.

Natumba naman ang tatlong poste ng ilaw sa Barangay Tambacan dahil sa lakas ng hangin at ulan. 

Halos umabot din sa tulay ang lebel ng ilog sa Barangay Mahayahay pasado alas-7 ng gabi Martes. Anila, madaling araw na nang humupa ang baha. 

Ang malakas na pag-ulan ay sanhi ng localized thunderstorms ayon sa PAGASA.

—Ulat ni Roxanne Arevalo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.