PatrolPH

Lalaking tumangay umano ng nasa P4-M halaga ng electrical products, arestado

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2021 02:22 AM | Updated as of Jul 14 2021 07:25 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Arestado ang isang 40 anyos na lalaking suspek sa pagnanakaw umano ng mga gamit sa pinapasukang kumpanya.

Company messenger ang suspek sa isang distributor ng electrical and industrial supplies sa Quezon City.

Inireklamo siya ng kaniyang amo nang madiskubreng tinangay niya ang nasa P4 milyong halaga ng electrical products tulad ng mga kable. 

Nagtago ang lalaki sa lungsod ng General Trias, Cavite kung saan siya residente at doon na rin siya natunton ng mga pulis nitong Martes. 

Siya ang 15th most wanted person ng Pandacan Police na naghain sa kaniya ng warrant of arrest.

Sinampahan na ng kasong qualified theft ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.