PatrolPH

Ilang bahagi ng Cagayan de Oro binaha dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2021 03:49 AM

CAGAYAN DE ORO CITY—Nagdulot ng ilang oras na pagbaha ang malakas na ulan sa dalawang barangay sa lungsod na ito Martes ng gabi.

Lumikas ang mga residente sa Barangay Cugman at Barangay Tablon dahil sa bilis na pag-akyat ng tubig-baha. Ang ibang residente nakaranas ng hanggang leeg na tubig-baha at hanggang paa naman ang tubig sa national highway. 

Agad nagsagawa ng rescue operation ang barangay at ang staff ng Oro Rescue ng city disaster risk reduction management department.

Humupa naman ang tubig matapos ang ilang oras na pag-ulan. Nakataas ang yellow rainfall advisory sa Cagayan de Oro, dahil sa epekto ng low-pressure area na malapit sa Samar. 

Ang mga apektadong residente ay magpalipas muna ng gabi sa barangay gym at ang iba ay nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak. 

Inasikaso naman ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang mga apektadong pamilya. — Ulat ni PJ dela Peña

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.