PatrolPH

2 patay sa banggaan ng motorsiklo at pick-up sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2021 10:54 AM

2 patay sa banggaan ng motorsiklo at pick-up sa Camarines Sur 1
Nag-overtake umano ang pick-up bago nasalpok ang kasalubong nitong motorsiklo sakay ang dalawang biktimang kapwa tower directors ng isang telecommunications company sa Pili, Camarines Sur. Larawan mula kay Rene Velarde Maligat

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos mabangga ang sinakyan nilang motorsiklo ng kasalubong na pick-up sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Agustin, Pili, Camarines Sur, Martes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station, nangyari ang aksidente nang mag overtake ang pick-up sa sinusundang sasakyan.

Hindi raw napansin ng driver ng pick-up ang kasalubong na motorsiklo dahil walang ilaw o headlight ito.

Nasa kustodiya ngayon ng Pili Municipal Police Station ang driver ng pick-up.

Parehong tower directors ng isang telecommunication company sa bayan ng Pili ang mga namatay na pauwi na sana ng mga oras na yun sa Iriga City.

- Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.