Isa pang biktima ng masaker sa San Mateo, Rizal pumanaw na; lola kritikal pa rin

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 04:31 PM

Pumanaw na rin alas-8 ng gabi Lunes ang isa pang biktimang lalaki na si Eduardo Caguioa. Retrato mula sa San Mateo police

MAYNILA — Nasawi na rin ang isa pa sa 2 kritikal matapos ang masaker sa San Mateo, Rizal noong Lunes, ayon sa pulisya nitong Martes.

Kinumpirma ni Police Lt. Col. Jaycon Ramos ng San Mateo police na pumanaw na rin alas-8 ng gabi Lunes ang isa pang biktimang lalaki na si Eduardo Caguioa. 

Magugunitang pinasok ng mga di pa kilalang salarin ang bahay ng mga biktima. Nauna nang idineklarang patay ang 8-anyos na biktimang babae. 

Sa ngayon, nananatiling kritikal sa pagamutan ang lolang si Luningning Caguioa McDonalds, 84.

Ayon sa mga pulis, nangangalap pa rin sila ng dagdag na mga ebidensya gaya ng kuha ng CCTV at mga posibleng witness para maituro ang mga salarin. 

Pinakawalan na rin ang 9 na inimbitahan pero masusi silang mino-monitor habang nagtutuloy-tuloy ang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.