P1.2M halaga ng shabu nasamsam sa mag-asawa sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 03:09 PM

DAVAO CITY - Nasamsam ang P1.2 milyong halaga ng droga mula sa mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, galing ng Maguindanao ang mag-asawa at kabilang na sa drugs watchlist ng Sasa Police Station ang nahuling si alyas Linda.

Aminado ang mga nahuli na nakipagtransaksyon sila ng shabu, pero itinanggi na gumagamit sila ng ilegal na droga.

Anila, gipit lamang sila at nangangailangan ng perang pagpapagamot.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.