Lalaki patay sa pamamaril sa Angono

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 08:30 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Angono, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Roy Magallano, 29-anyos na on-call driver.

Base sa paunang imbestigasyon, nakatayo sa gilid ng kalsada ng Manila East Road sa Barangay San Isidro ang biktima nang bigla na lang itong pagbabarilin ng isang lalaki.

Matapos ang pamamaril ay tumakbo papatawid ng kalsada ang gunman at sumakay sa naghihintay na motorsiklo at mabilis na tumakas.

Nagtamo ng 2 tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima. Nakuha ang 2 basyo ng kalibre 45 na baril sa crime scene.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.