5 bahay natupok sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 07:15 AM

MAYNILA - Natupok ang 5 bahay matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Pansol, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa gitna ng mga bahay ang pinagmulan ng sunog kaya umakyat pa ng bubong ang mga bumbero para apulahin ito.

Idineklara ang fire out pasado alas-9 ng gabi Sabado.

Sa paunang imbestigasyon, nagmula sa kusina sa unang palapag ng isang bahay ang apoy dahil umano sa napabayaang niluluto. 

Nasa P50,000 ang halaga ng natupok. 

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.